KIMIRAN ONLINE
KIMIRAN ONLINE
KIMIRAN ONLINE
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

KIMIRAN ONLINE

Free Ran Online Private Server
 
HomePortalSearchLatest imagesRegisterLog in

 

 Ang Alamat ng Brute Punk

Go down 
2 posters
AuthorMessage
eric_paolo22

eric_paolo22


Posts : 9
Join date : 2007-09-18

Ang Alamat ng Brute Punk Empty
PostSubject: Ang Alamat ng Brute Punk   Ang Alamat ng Brute Punk Icon_minitimeThu Oct 25, 2007 3:38 am

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketNoong unang panahon, hindi pa ipanapanganak si Dark Swordsman at ang mga character ay pawang mga brawler at mga shaman pa lamang. Wala pa ang mga alien at wala ring Suryun, episode 1 pa rin noon pero meron ng CW.Masaya ang CW noon dahil punung puno ang mundo.. Iisa rin lang kasi ang server. Marami ang mga kalaban at masasabi mong napakalakas na ng gang mo kapag nakasakop ka ng isang e-room. Kung sabagay, iisa lang ang e-room noon. ^_^

Wala ring lag.

Iba pa ang mundo ng Ran noon at ang experience ay mababa kumpara ngayon. Pati ang drops ay iba rin. Mas mataas naman kesa ngayon. Ang experience rate noon ay divided by 6 ngayon kaya kapag meron kapag level 87 ka na ay makakapagyabang ka na. Marami ang mabibiling mga refines na pakalat kalat sa market. Mura pa. Yun nga lang mahirap ng konti ang pag-uups kaya kapag nagkaroon ka ng +9 ay ituturing kang parang isang GM.


Merong isang Pow Brawler noon na nagngangalang demus_rioda. Sya ay isang malakas at magiting na Gang Leader. Sikat siya sa mga tao sa Ran at ang gang nya ay palaging nakakasakop sa e-room. Meron kasi siyang +9 set na armor at ang requirement sa gang nya ay +7 set dapat ang suot mo. Dito sumikat si demus_rioda at ang Brute_Punk gang.

Gustong ipakita ni demus_rioga sa lahat na ang gang nya ang pinakamalakas. At dahil dito, maraming gang ang nag-asam na matalo ang gang na ito ngunit pawang nabigo lamang. Ngunit sa kanilang pagpupursigi, nakukuha na nilang maging sakit ng ulo sa gang na kinatatakutan ng iba.. Natakot si demus_rioda na dumating ang araw na wala silang sakop dahil may isang gang ang tatalo sa kanya.. Higit syang natakot ng malaman niyang may tatlong naka +9 set sa gang na ang gang na muntik ng tumalo sa Brute Punk Gang.

Nagtagal pa ang dinastiya ni demus_rioga at unti unti ay lumaki ang ulo nito. Hindi pa rin natatalo si demus_rioga ng iba at inisip nya na siyay imbinsibol. Pumasok na rin sa isip niya na kaya na nyang tapatan ang lakas ng isang GM. Ganito rin ang nagging paniniwala ng kanyang mga kagang.
Lalo pa sanang magtatagal ang dinastiya ni demus_rioga ng biglang maglag sya habang vineverify ang e-room, sindayang pinaglag siya ng mga GM para matalo ang gang nyang Brute Punk. Naging malaking issue sa buong Ran ang pagkatalo ng Brute Punk at walang patumanggang pagyayabang ang ginawa ng gang na nakatalo kuno sa Brute Punk. Dalawang araw na walang tigil ang Brute Punk Gang sa pagshout sa Ran. Galit nag galit ang Brute Punk gang at naging sabik na sabik sa susunod na CW. Nagkaroon ng komosyon sa Ran at hindi na makapagtiis sa susunod na CW. Samantala, nakonsensya naman ang lupon ng mga GM sa kanilang ginawa dahil hindi nila dapat pakialaman ang CW.

At dahil na rin sa kasalanan ng mga GM, pinagpasyahang dagdagan ang makukuhang gold ng Brute Punk Gang.. Naapektuhan ang pagpakialam nito ng mga GM ng gold sa e-room at nagdulot ng sangkatutak na gold na nakuha ng Brute Punk gang. Ang nakuhang gold ng Brute Punk ay kasinghalaga ng lahat ng gold na nakuha ng Brute Punk simula noon pang unang CW. Bilyon bilyon ang nakuha nilang gold at itoy kanilang winaldas sa pamamagitan ng pagbili sa lahat ng refines sa market. Binili rin nila ang lahat ng gamit na may upgraded na. Lahat ng Brute Punk gang ay naka +9 set na at itoy ikinabahala ng marami. Nasira ang market dahil wala ng mabiling refines ang mga normal na citizen ng Ran. Sa sobrang konti ng refines sa Ran ay nagmahal ng nagmahal ang presyo ng lahat ng paninda. Puro Brute Punk na lang ang bumibili dahil bilyon bilyon ang mga pera nila.. Hindi na naging masaya ang mga tao at ito ay ikinabahala ng mga GM. Hindi nila alam kung paano nila susulusyunan ang problema kaya kinausap nila si demus_rioga na ibalik na lang ang gold pati na rin ang mga +9 set ng mga kagang niya. Papalitan na lang sana ng mga GM sa dati ang kanilang mga gold. Umalma ang Brute Punk gang.. Ipinagtanggol ni demus_rioga ang kanyang gang at niyayang magipag duel sa kanya ang mga GM. Pinagmamalaki niya na kaya na niyang labanan ang kahit sinong GM.. minura ng minura ng Brute Punk ang mga GM. Pati ang mga tao sa Ran ay nagalit sa mga GM dahil hindi naman sila panga na mga GM ang dahilan kung bakit nagkaroon ng ganitong pangyayari..

Nagalit ang mga GM sa Brute Punk Gang lalong lalo na kay demus_rioga na nauna ng nagyayabang sa mga GM. At sa galit na ito ay ginawa silang mga monster na matataba at maiitim ang balat. Parang ugali ng Brute Punk Gang, matakaw at maiitim ang budhi. Permanent na ang pagkakagawang ito sa Brute Punk Gang at wala ng balak ang mga GM na ibalik pa sila sa dati. Nawala lahat ng gamit ng Brute Punk. At ang pera nila, gold at mga items ay hindi na pwedeng i-trade. Ng Makita ito ng taong bayan, walang awang pinaslang ang mga Brute Punk ng mga ito. Brutal ang pagkakamatay nila.. At hindi natahimik ang kanilang mga kaluluwa. Hanggang ngayon, makikita pa rin ang kanilang mga multo at kapag suswertehin, maluloot mo ang kanilang mga pinamiling mga refines pag napatay mo sila. Nagdadabog din ang mga ito madalas dahil galit na galit sila sa mga GM. Sinisisi nila ang mga GM kung bakit sila nagkaganon. Pinapalo din nila ang kanilang mga ulo dahil napakalaki ng kanilang pagsisisi, dahil sa kanila ay biglang tumaas ang presyo ng mga tao tuloy, paborito silang patayin ng mga taong bayan hindi lang sa loots nila na mga refines kundi dahil na rin sa galit ng mga ito.

Lumipas ang maraming panahon at nakalimutan ang kwento ng mga Brute Punk. Pero hanggang ngayon ay hinahunt pa rin sila dahil sa loots nilang refines. Paminsan minsan ay gumagana rin ang e-room bug at itinatanggi ito ng mga GM. Hindi kasi nila ito alam ayusin at solusyonan. Merong haka haka na ang Lux na hinuhulog ni demus_rioga ay hindi nakakabasag ng armor. Kaya marami pa rin ang mga mamaw na nakakaalam sa storya ang walang ginagamit sa pag upgrade kundi ang mga Lux na galing sa Brute Punk.
Back to top Go down
illenram
Admin
illenram


Posts : 30
Join date : 2007-09-04
Age : 43

Ang Alamat ng Brute Punk Empty
PostSubject: Re: Ang Alamat ng Brute Punk   Ang Alamat ng Brute Punk Icon_minitimeFri Nov 02, 2007 11:54 am

original? of from ran online forum? prang nabasa ko na ito dun eh.
Back to top Go down
 
Ang Alamat ng Brute Punk
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Ang Alamat ng +7 Walis ^_^V

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
KIMIRAN ONLINE :: General Discussions :: KimiRan Discussions-
Jump to: